Mahiwagang Lunes Na Naman!

Wala lang. After 4 days na bakasyon, eto at Monday na naman, back to work, back to reality! Kakatamad pero kelangan kumayod kung hindi walang pambili ng gatas at diapers si Lance. Hehe! Kaka-asar pa kanina nung papasok na ko sa office. Ang daming pasahero sa kalye at talaga namang ang hirap sumakay! Dapat nga uuwi na lang ako at magdadadala ng sasakyan kaso naisip ko mapapagod din lang ako dahil ang traffic din naman sobra! Kaya eto, late akong dumating sa office at jeep lang yung nasakyan ko. Nalanghap ko na yata lahat ng usok sa Marcos Hway sa sobrang traffic! Haayy!! Wala lang, gusto ko lang magreklamo. O siya, kelangan ko na muna magtrabaho, medyo marami-rami din tong kelangan tapusin today. Mamaya na lang ulit!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments: