Taong 2006

Bagong taon na naman! Ano kaya ang mangyayari sa buhay ko pati na din sa buhay namin ni paul ngayong taon na ito? Naging masaya ang pagsalubong namin ni paul sa 2006. Kasama namin ang kanyang tatay at kapatid pati na din ang inaanak kong si rhys sa pagsalubong. Namili lang kami ng pagkain para ihanda (hindi kasi ako marunong magluto!) at mga prutas para may mga bilog na bagay sa mesa. Simple lang ang handa namin pero masaya dahil magkakasama kami. Nanood lang ng fireworks habang sinasalubong ang bagong taon. Senti no! hehehe!

Pagpasok ko dito sa office, nag-set agad ng meeting ang boss ko para maayos daw namin ang plan namin for 2006. Eto yung mga projects na naka assign na gawin ko ngayong taon na ito:

* Continuous maintenance of ISO 9001 certification
* Malcolm Baldrige National Quality Award
* Capability Maturity Model certification for the IT group
* ISO certification for ALC
* Subcontractor Management
* Six Sigma for ComNet and Channel Distribution Department

Yan yung mga programang dapat kong matapos ngayong 2006. Bukod pa dyan yung mga existing ko pang ginagawa dito sa office. Haayyy, magawa ko kaya lahat ito? Wish ko lang ay magdagdag ng staff kahit na panandalian lang para naman may makatulong.
Hmm…. Ano pa ba? Dami kong update, medyo matagal yung last post ko eh. Si Paul nagkasakit last week. Nilagnat, tapos may ubo at sipon. Ayun buti na lang andito pa siya nung nagkasakit siya, kahit papano naalagaan ko. Sa awa ng Diyos, medyo magaling na siya ngayon. May ubo’t sipon pa din pero ayos lang daw. Ako naman ang may sakit! Haayy…. Uso yata sakit ngayon eh. Dito sa office, 2 sa friends ko may sakit tapos nabasa ko blog ni cynch, may sakit din sila ni dex. Haayy… sana, gumaling na kaming lahat.

Masaya yung last weekend namin ni Paul. Nag-attend kami ng bday party ng inaanak ko sa festival mall tapos nakita pa namin yung ibang relatives namin before umalis si paul for Taiwan. Aside from that, meet din namin yung isang officemate ko na dating ka-group ni paul sa office at pumunta kami sa Grappas. Sarap pala ng beer don. Di masyadong mapait!

Ang pinakamasaya sa weekend namin ni Paul ay ang pag check in namin sa Manila Peninsula. Ginamit namin yung voucher na pang weekend kaya we stayed there from Friday-Sunday. Parang honeymoon ulit. Hehehe! Kakatuwa lang magspend ng time alone with him. Usually kasi kasama namin either family ko, family niya or friends and officemates namin. At least sa mla pen, kami lang dalawa. Sarap pa ng food. Hehehe! Super enjoy talaga yung stay namin don! Malamang mag check in ulit kami pag uwi niya dito kung kelan man yon.
Eto last na, dapat kaninang umaga ang alis ni Paul. 7am yung flight niya to Taipei via PAL. Nagulat na lang ako nung paggising ko ng 5am kanina, ayaw pa daw niya umuwi. Sa Wednesday na lang daw siya uuwi. Natuwa naman siyempre ako dahil bukod sa ilang araw pa kaming magkakasama eh makakapagpahinga pa siya at sana by Wednesday ay mawala na talaga ang sakit niya. Haayyy, hirap talaga ng magkahiwalay. Each time na aalis na siya, parang gusto mong pigilin ang oras. Pero di bale, pinanghahawakan namin ang pangako ng Diyos na magkakasama kami balang araw at andyan siya sa piling namin sa tuwing malulungkot kami at nami-miss ang isa’t isa.

Haayy… sana sa taon na ito, maging maayos na yung mga plans namin ni paul. Yung papers ko sana maayos na para magkasama na kami ulit!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

Cynch said...

hi toni! special mention pala ko dito sa blog mo! hehehe! ang dami talaga may sakit noh!?! buti naka-recover na si paul. naku bukas na alis nya... kaka-sad naman... ako parang nagkakaron ng separation anxiety kapag nalalayo si dex sakin... di ko yata talaga carry ang long distance relationships. bilib ako sa inyo. god bless!