Nadukutan ako last night :(

Hayy.. first time nangyari sa kin to and kakatrauma din pala. I was on my way home last night when it happened. I normally commute naman to work so last night was no different. Here’s what happened:

I left the office at 6pm then rode a jeep to anonas/aurora. At that time I know my wallet, coin purse and cell phone are still in my bag. I was able to pay pa my fare sa jeep. Then I went down na sa may anonas and walked towards QCMC. Crossed the street (aurora) and walked again and hailed an fx. That’s when I learned I was robbed. My bag was open na and ayun, my wallet, coin purse and cell phone are all gone. Grabe! Ang galing and ang bilis nung magnanakaw. I never noticed na nabuksan yung bag ko and never din naman akong nag stop sa paglakad after ko bumaba ng jeep. Kakagulat talaga! Buti na lang yung guy beside me was kind enough to pay for my fare sa fx. I was crying habang nasa fx. Kakagulat kasi eh and feeling ko di na naawa sa kin yung magnanakaw. Well siguro kasi alam nya di ko siya mahahabol in case maramdaman ko na may kinukuha siya sa bag ko.

Upon getting home, I texted Paul (using my sister’s cell) and told him what happened. I asked him also to call an officemate who was still in the office to send me the back up file of the notes that are stored in my cellphone. May mga passwords kasi don ng mga accounts ko online eh. Buti na lang andon pa sila and na-send agad sa kin yung file kaya I was able to change agad the passwords. Thanks Jenny and Amie! I was able to call also the banks to block my credit cards and kanina I went to the bank to request for a new atm card and informed them also of what happened.

Yung laman ng wallet ko eh 2 credit cards, atm card and mga iba’t-ibang cards like sm advantage, mercury drug, sta. lucia, etc. Yung kelangan ko lang don talaga agad is my medicard and yung medical city plus card. Pero I asked naman our HR kanina and they endorsed naman na to medicard my case and I won’t request na for a new one since mag expire na din yung card sa sept 14. Yung sa medical city naman, I was able to call customer service na and they told me to request na lang for a new one and if in case wala pa yung card and I gave birth na, sabihin ko lang that I have a TMC card. I also have my admission slip sa wallet and I’ll just request for a new one on my check up on Saturday. Yung cash naman was around 3K. Papadala ko sana sa Davao para pamasahe nung magiging yaya ni Hannah. Well ngayon wala na silang lahat. :(

Sayang din yung mga naka store sa cellphone ko, wala pa naman lahat yon back up :( And btw, I’m using a prepaid sim so if in case may ma receive kayo na text using my number 09063552470, di na ako yon kaya paki check na din lang.

Anyway, kakalungkot lang talaga. Pati pala buntis di na pinapatawad ng mga magnanakaw. Sana lang gamitin nya sa matinding pangangailangan, at kung hindi man, bahala na siya. Si God na ang maniningil sa kanya. I’m thankful lang na I’m safe and nothing bad happened to me or to Hannah. Mapapalitan naman yung mga nawala sa kin eh. Doble ingat na lang palagi, lalo na ngayon malapit na pasko kaya rampant na naman mga magnanakaw.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

3 comments:

Rocks said...

grabe naman ang mga mandurukot na yan! nakaka kulo ng dugo! mga walang patawad, porke alam nila na buntis ka at di ka makakahabol..grrr!

anyway sis, tingnan na lang natin yung good side na at least di ka tinutukan or tinakot pa..and that you are safe.

Doble ingat na nga lang tayo :)

Paul and Toni said...

hi sis! oo nga eh. yun na din lang inisip ko. at least walang nangyaring masama sa kin or sa baby. yung mga nakuha, pwede naman mapalitan eh.
ingat na lang tayo. tnx ha! :)

AiDiSan said...

Na sad naman ako sa kwento mo. Grabe na talaga panahon ngayon. Kaya ako, I really hold tight my bag whenever I go to work especially when I'm on graveyard shift and I really pray as soon as I leave the house. Just recently, yung katabi ko sa jeep, mandurukot pala, dinukutan nya ng celfone yung student seated on his left ( I was on his right). Itsura palang nung guy, kinutuban na ako.

You're right, madali lang i replace mga bagay nakuha sa 'yo, but you have to be extra careful everyday, if possible, pasundo ka sa hubby mo.