I brought my sister’s car last Thursday since there’s a jeepney strike going on. I’m not sure also if there are enough cabs since most people will take a taxi going to their destination. Ayoko naman mag abang ng taxi ng matagal kaya nagdala na ako ng sasakyan, total suspended naman di yung coding. Before ako umalis ng house, ayaw mag start nung kotse. Syempre binuksan ko pa yung hood kahit na wala akong alam don. Hehe! I asked help from my brother’s in-laws na nakatira lang sa kabilang street. Buti andon pa sila so pinapunta sa house yung driver tapos sumunod yung FIL ng brother ko. Sabi nila there’s a problem with the battery and it needs to be replaced but I don’t have to worry kasi makakarating pa daw yon ng maayos sa office.
So I left and went to work. I really need to bring the car because I’ll bring home our monthly rice subsidy and the Christmas groceries given to the employees. Nakarating naman ako ng office without hassle. Nung pauwi na ako, ayaw na naman nya mag-start so naki series ako sa car nung officemate ko and umandar naman siya. So drive na ako pauwi. I normally pass by Xavierville pauwi kasi don less traffic. Ayun nasa Xavierville ako, biglang tumigil yung kotse. Kinabig ko siya pakanan para makatabi ng konti pero ang tigas na nung steering wheel. Buti na din lang, nasa may right side na ako talaga kaya di naman ako naka cause ng traffic. Nung try ko start yung car, ayaw na ulit. I called my officemate to ask help. I also called Paul and my sister para mapuntahan ako sa Xavierville. Buti din kung san tumigil yung kotse, may mga guards yung building so tumulong sila para itulak yung car para nakatabi talaga. Meron din daw kasing dumadaan don at nag-tow ng mga sasakyan. Hirap pa naman kasi automatic yung car so shift ko lang to neutral para di masira. Habang tinutulak yung car, dumating na yung officemate ko. Syempre naki series ako ulit at umandar na naman yung car. Naitabi din siya ng maayos. Sumagot na din sa text ko yung sister ko and si Paul. Papunta na daw si Paul kasama FIL ng brother ko and yung driver. Sinabihan ko na din officemate ko na pwede na nila ako iwan since parating na sina Paul. So they left na, tapos iniwan ko din yung car na umaandar para din mag charge yung battery. Finally dumating na sina Paul. Sabi nung FIL ng kuya ko, since umaandar na daw ulit makakarating yon sa house. Yung driver na lang yung nag drive nung car tapos ako sumakay na sa sasakyan nila. And ayun, nakarating naman sa house ng ok.
Kakatuwang experience siya. First time ko masiraan and ang bait talaga ni God sa kin. First andon ako sa maliwanag na area nung Xavierville tumirik, tapos yung building pwede mag park sa harap para di ako ma-tow. Katuwa no! Ayun, the following day, napalitan na namin yung battery nung car so ok na siya ulit.